*Filipino Part 2* General Education (Gen Ed) LET Reviewer

Here is Part 2 of our Gen Ed Filipino reviewer for the upcoming Licensure Exam for Teachers (LET).

This is Part 2 of our Gen Ed Filipino reviewer. This has 50 multiple-choice questions with the answer key provided at the bottom.

Recommended reading:
→ 5 Researched-Based Techniques to Pass Any Exam
→ 13 Tips to Pass LEPT (From Repeaters)

Gen Ed Filipino reviewer

1. Sino ang sumulat ng nobelang panlipunang ito sa Kastila at may pamagat na Ninay?
A. Graciano Lopez-Jaena
B. Mariano Ponce
C. Pedro P. Paterno
D. Pascual Poblete

2. Sa tuwi kong makikita ang bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang gumawa ng tatlong malalaking bankang papel na hindi nya napapalutang kailanman.” Ano ang isinasagisag ng tatlong bankang papel?
A. mga bilihin
B. mga pangarap
C. mga palaruan
D. mga dadalhin

3. Alin sa mga akdang ito ang naghahangad na mapalaganap ang nasyonalismong Pilipino na isinulat ni Apolinario Mabini?
A. Kartilyang Katipunan
B. A Mi Madre
C. El Verdadero Decalogo
D. El Liberal

4. Anong panahon nasulat ang may diwang makabansa, disiplina at kamulatan sa pamamagitan ng panlipunang kaunlarang panlahat?
A. Liberasyon
B. Aktibismo
C. Kasalukuyan
D. Bagong Lipunan

5. Sino ang kinikilalang mananalumpating nagtatag ng La Solidaridad at may- akda ng Fray Botod?
A. Graciano Lopez-Jaena
B. Jose Palma
C. Pedro Paterno
D. Mariano Ponce

6. Mula sa kung “anong bukambibig siyang laman ng dibdib” ay isang uri ng _____.
A. tula
B. bugtong
C. tugmaan
D. salawikain

7. Alin ang genre ng panitikan ng nagbibigay ng kuro-kuro, damdamin o opinyon sa mga bagay-bagay, tao o anumang nais pag-ukulan ng pansin?
A. Kwento
B. Sanaysay
C. Tula
D. Dula

8. Sino ang makatang bumuo ng mga tulang matatagpuan sa Mga Gintong Dahon at Sa Dakong Silangan na may taguring Batute sa panulaang Pilipino?
A. Jose Panganiban
B. Jose Garcia Villa
C. Jose dela Cruz
D. Jose Corazon de Jesus

9. Sino ang kauna-unahang nagsalin sa Tagalog ng Mi Ultimo Adios ni Jose Rizal?
A. Jose Gatmaitan
B. Apolinario Mabin
C. Andres Bonifacio
D. Jose Corazon de Jesus

10. Ang mga paring misyunero ang may-akda at unang nagsagawa ng mga pag-aaral sa wika na binubuo ng dalawang ito ay ang _______.
A. pangungusap at talasalitaan
B. balarila at talasalitaan
C. bokabularyo at palapantigan
D. pangungusap at talatinginan

11. “Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa sariling lupa. Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala.” Ang saknong na ito ay buhat sa tulong _____.
A. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
B. Katapusang Hibik ng Pilipinas
C. Sa mga ka bataang Pilipino
D. Huling Paalam

12. Ang tinaguriang ama ng nobelang Tagalog ay si _____.
A. Deogracias Rosario
B. Lope K. Santos
C. Severino Reyes
D. Valeriano H. Peña 

13. Ano ang pahayagang itinatag ni Marcelo H. del Pilar upang ilathala ang pagbatikos sa maling pamamahala ng mga Kastila?
A. El Resumen
B. La Solidaridad
C. El Porvenir
D. Diaryong Tagalog

14. Sino ang gumamit ng sagisag na Tikbalang, Nanding at Kalipulaki sa ating propagandista?
A. Andres Bonifacio
B. Emilio Jacinto
C. Antonio Luna
D. Mariano Ponce

15. Ang aklat na isinulat ni Modesto de Castro na patungkol sa kagandahang asal ay ang _____.
A. Doctrina Cristiana
B. Urbana at Feliza
C. Nuestra Señora del Rosario
D. Panubong

16. Ano ang sagisag panulat ng ginamit ni Benigno Ramos?
A. Dukha
B. Lotus
C. Fidel
D. Mithi

17. Sino ang makata, nobelista, kwentista, mandudula at mananalaysay sa panitikang Ilokano at kasama sa pangkat ng makabago?
A. Alejandro Abadilla
B. Leon Pichay
C. Eriberto Gumban
D. Pedro Bukaneg

18. Alin sa mga sumusunod sa unang aklat at itinuring na pangalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas?
A. Nuestra Señora de Paz
B. Nuestra Señora de Gui
C. Nuestra Señora de Pilar
D. Nuestra Señora del Rosario

19. Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin, sa Ingles, Kastila’t sa salitang anghel sapagkat ang Poong maalam tumingin ang siyang naggawad, nagbigay sa atin. Ang saknong na ito ay nagpapahiwatig ng ____.
A. pagmamalaki sa wika
B. pagdaramdam sa wika
C. paghahangad
D. paghihinayang

20. Alin ang itinanghal na Pambansang Alagad ng Sining si Amado V. Hernandez dahil sa kanyang nobelang ito.
A. Panday
B. Luha ng Buwaya
C. Ibong Mandaragat
D. Bayang Malaya

21. Higit na magagamit ang paraang Story Grammar sa mga kwentong _____.
A. pangkauhan
B. pangkapaligiran
C. makabanghay
D. pangkaisipan

22. Ibigay ang kahulugan ng “ILIBING SA LIMOT ang malungkot na pangyayari sa buhay.” Alin ito?
A. alalahanin
B. iwasan
C. sariwain
D. kalimutan

23. Ibigay ang pukos ng pangungusap na ito. “Ikinaligaya ko ang pagdating mo.”
A. layon
B. lokatibo
C. sanhi
D. aktor

24. Batay sa patnubay ng Wikang Pilipino, alin ang nagpapakita ng wastong pagpapantig?
A. tuk-tole, eks-por-tas-yon
B. ma-a-ga; ka-pre
C. to-too; sob-re
D. kop-ya; eks-pe-ri-men-to

25. Saan nakauri ang mga sumusunod sa salita katulad ng website, cellphone, diskette at computer?
A. ligaw
B. hiram
C. likas
D. likha

26. Sa mga pangungusap na Panahon na upang MAGDILAT NA MATA at makisangkot sa mga usapin. Ano ang ibig ipahiwatig ng nasa malaking titik?
A. umiwas sa usapin
B. idilat ang mga mata
C. kalimutan ang isyu
D. magising sa katotohanan

27. Ano ang kagamitan mong dapat gamitin kung nais mong matukoy ang layo ng iyong probinsya sa Bohol?
A. mapa
B. tsart
C. globo
D. grap

28. Ang mga pagpapaliwanag ng mga tuntuning pang gramatika sa tulong ng mga halimbawa ay pamaraang _____.
A. audio-lingual
B. cognitive code
C. tuwirang paraan
D. grammar translation

29. Alin sa mga ito ang pagtuturo ng sabay ng mga magkasamang gawain sa pakikinig, pagbasa at pagsulat?
A. tuwiran
B. komunikatibo
C. karanasang pangwika
D. grammar- salin

30. Sa maraming uri ng tukuyang pagsusulit, alin ang nakita ng mga palaaral na mabisang gamitin?
A. tama-mali
B. pasanaysay
C. pagpipilian
D. punan ang patlang

31. Ano ang katangian ng pagsusulit na nagnanais sukatin ang mga bagay na nais masukat?
A. baliditi
B.kahirapan
C. relayabiliti
D. praktikalidad

32. Alin ang pinagkukunan ng guro ng mga kompetensi na dapat matupad sa pagtuturo?
A. takdang aralin
B. lubusang pagkatuto
C. kompetensi sa pagkatuto
D. banghay aralin

33. Ano ang katangian ng pagsusulit na ginagawa upang maging matagumpay at hindi gaanong nakakapagod at matipid gamitin?
A. baliditi
B. praktikalidad
C. back wash
D. relayabiliti

34. Ang film, film strip, slide, television projection media, tapes, records at radyo ay napapangkat sa tinatawag na kagamitang ito. Alin dito?
A. audio-visual aid
B. manwal na gamit
C. audio-visual
D. visual aid

35. Alin dito ang aklat na ginagamit ng guro na naka ayos sa masistemang paraan ng mga paksang-aralin na binubuo ng isang partikular na kaalaman para sa isang tiyak na aralin at antas?
A. workbuk
B. teksbuk
C. manwal
D. magasin

36. Upang masiguro na magkaroon ng mabuting aytem sa pagsusulit naghahanda ng higit na kailangang bilang at _____.
A. aytem pool
B. bahagdan
C. talahanayan
D. layuning pangkagawian

37. Alin dito ang pagsusulit na pasalaysay at pagsasalin na kadalasan ay binubuo lamang ng kaunting bilang ng tanong?
A. objective test
B. receptive test
C. productive test
D. subjective test

38. Alin dito ang isa sa dalawang uri ng pagsusulit na ginagawa ng guro sa silid-aralan?
A. tukuyan
B. tama-mali
C. pagkilala
D. cloze test

39. Aling aklat ang ginagamit ng guro na may teksto at mga gawaing pagsasanay ng mag-aaral kaugnay sa aralin na tinatalakay mula sa teksbuk?
A. batayang aklat
B. teksbuk
C. workbuk
D. karagdagan aklat

40. Ang mga kagamitan sa pagtuturo katulad ng cut-aways at mock-ups ay nakauri dito na kadalasan ay reprodaksyon ng tunay na bagay. Alin dito?
A. tsart
B. larawan
C. flash card
D. model

41. Sa kagamitang ito nakasama ang 2 dimensyonng tulad ng globo, ito ay _____.
A. kagamitang panlabas
B. kagamitang biswal
C. kagamitang awdyo
D. kagamitang pansilid

42. Anong uri ng kagamitan ang chalkboard, whiteboard, still picture at bulletin board?
A. namamasid
B. naririnig
C. namamasid at naririnig
D. limbag

43. Alin dito ang pagsusulit na pagpipilian na may higit sa apat na pagpipilian ng sagot?
A. pagpili ng tamang letra ng sagot
B. pagsunod-sunuri
C. punan ang patlang
D. pagtapat-tapatin

44. Ang mga sumusunod ay mga kabutihang natatamo sa mga kagamitang pampagtuturo. Alin ang hindi?
A. nakakaganyak sa kawilihang mag-aaral
B. nakapagbabahagi ang mga mag-aaral ng karanasan
C.nakatutulong sa pagpapaliwanag ng mga konsepto
D. ang pagkatuto ay pansamantala

45. Saan mo titingnan ang pahayag na “Binabati namin ang milyun-milyong masisipag na mga magsasaka at mangingisda na ang pang-araw-araw na gawain ay nag-aambag sa akmang nutrisyon ng kabuuang bansang Pilipino?
A. lathalain
B. pamamahayag
C. editorial
D. balita

46. Alin sa mga kagamitang ito ay itinuturing na mabisa sapagkat ang mag-aaral ay diretsong nakikita ang problema ng lipunan.
A. Community Environment
B. Community Aid
C. Community People
D. Community Resource

47. Tila hawak ni Danding sa palad ang lihim na tinatawag niya na pag-ibig. Naunawaan niya kung bakit ang pagpapatapon ay isang mabigat na parusa at kung bakit ang mga nawawalay na anak ay sasalungat sa bagyo makabalik lamang. Aling damdamin ang isinasaad dito?
A. Pagbabalik sa sariling bayan
B. Pag-alis sa sariling baryo
C. Pagdating sa tinubuang lupa
D. Pagmamahal sa sariling lupa

48. Sa taas ng mga bilihin ngayon kahit “kahig ka ng kahig ay wala pa ring maipon. Ano ang ibig sabihin nito?
A. hanap ng hanap
B. gastos ng gastos
C. bawasan ang bili
D. walang mabili

49. Saan matatagpuan ang:
Tuloy ang may baon
Ang wala’y sa silong.
A. alamat
B. duplo
C. mitolohiya
D. karagatan

50. Ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas ay ang _____.
A. Doctrina Cristiana
B. Urbana at Feliza
C. Barlaan at Josaphat
D. Nuestra Señora del Rosario

Answer key

1. C11. A21. C31. A41. B
2. B12. D22. D32. C42. A
3. D13. D23. A33. B43. D
4. D14. D24. D34. A44. D
5. A15. B25. B35. B45. A
6. C16. B26. D36. A46. A
7. B17. C27. A37. A47. D
8. D18. D28. D38. A48. A
9. C19. A29. B39. C49. B
10. B20. C30. C40. D50. A