*Filipino Part 1* General Education (Gen Ed) LET Reviewer

Here is Part 1 of our Gen Ed Filipino reviewer for the upcoming Licensure Exam for Teachers (LET).

This is Part 1 of our Gen Ed Filipino reviewer. This has 50 multiple-choice questions with the answer key provided at the bottom.

Recommended reading:
5 Researched-Based Techniques to Pass Any Exam
→ 13 Tips to Pass LEPT (From Repeaters)

Gen Ed Filipino reviewer

1. Sa pamamagitan ng kautusang Tagapagpaganap Bilang 263 noong Hunyo 19, 1940. Ang wikang Pilipino ay pinasumulang ituro sa.
A. Sa lahat ng paaralang pampubliko sa buong bansa.
B. Lahat ng antas ng pag-aaral sa buong bansa.
C. Sa lahat ng paaralang bayan at pribadong paaralan sa buong bansa.
D. Lahat ng pamantasan at dalubhasaan sa buong bansa.

2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang taliwas sa tuntunin ng bilinggwalismo?
A. Nararapat din na ipatupad ang patakarang bilinggwalismo sa antas tersyarya.
B. Ang edukasyong bilinggwalismo ay nangangahulugan na hiwalay ang paggamit ng Filipino at Ingles bilang mga midyum na panturo sa mga tiyak na asignatura.
C. Ang paggamit ng Ingles at Filipino bilang wikang panturo sa mga kaukulang asignatura ay dapat magsimula sa unang taon.
D. Dapat na ituro ang Filipino at Ingles bilang asignatura sa lahat ng antas sa mga paaralang elementarya at sekondarya.

3. Ang batas na ito ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos na nagtatadhana na dapat pangalan sa Pilipino ang mga gusali at edipisyo ng pamahalaan.
A. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 277
B. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
C. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 176
D. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 308

4. Siya ang pangulo ng Pilipinas na nag-utos na awitin ang Pambansang awit ng Pilipinas sa wikang Filipino.
A. Manuel Roxas
B. Diosdado Macapagal
C. Manuel Quezon
D. Ferdinand Marcos

5. Alin sa mga pahayag ang taliwas sa mga katangian n wikang Filipino?
A. Ang Filipino ay Tagalog sa kalakhan na binigyan ng bagong pangalan sa kadahilanang sosyopolitikal.
B. Modernisado ang bokabularyo ng Filipino na higit na pinagyaman ng panghiram sa wikang lokal at dayuhan.
C. Ang wikang Filipino ay pinaghalu-halong wikang katutubo na ang batayan ay Tagalog.
D. Ang Filipino bilang wikang pambansa ay katawagang nakapagpapalubag-loob sa mga rehiyonalistang di-Tagalog.

6. Noong ika-13 ng Nobyembre, 1936, itinadhan ni Pangulong Manuel L. Quezon ang pagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP). Ang hakbang na ito ay nakapaloob sa _____?
A. Batas Komonwelt Bilang 184
B. Batas Komonwelt Bilang 570
C. Seksyon 3, Artikulo XIII ng Konstitusyon ng Komonwelt Bilang 570.
D. Kautusang Tagapagpaganap Bilang 236

7. Ito ang dahilan kung bakit tinawag na “Ama ng Balarilang Tagalog” si Lope K. Santos.
A. Naglimbag at naglathala siya ng Balarilang Tagalog.
B. Hinirang siyang kagawad ng Surian ng Wikang Pambansa.
C. Nagsagawa siya ng pag-aaral tungkol sa gramatikang Pilipino.
D. Sumulat siya ng Balarila ng Wikang Pambansa na batay sa Tagalog.

8. Pansamantalang nahinto ang pagtuturo sa lahat ng paaralan sa buong bansa noong mga taong 1941 hanggang 1944 dahil sa?
A. Tumutol ang ibang mga rehiyon na di-Tagalog
B. Pinatupad ang Patakarang Bilinggwal
C. Sinimulan ang pagtuturo sa Ingles
D. Ipinalit ang wikang Niponggo

9. Ito ang bilang ng yunit ng asignaturang Filipino bilang karagdagang yunit sa antas tersyaryo simula taong panuruan 1977-1978.
A. 3
B. 9
C. 12
D. 6

10. Siya ang Pangulo ng Pilipinas na lumagda sa batas na nagtatadhana na inililipat ang pagdiriwang ng Linggo ng Pambansang Wika mula sa Abril patungong Agosto.
A. Corazon Aquino
B. Ferdinand Marcos
C. Diosdado Macapagal
D. Ramon Magsaysay

11. Siya ang Pangulo ng Pilipinas na lumagda sa pagpapanibago ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto bilang Buwan ng Wika.
A. Fidel Ramos
B. Joseph Estrada
C. Benigno Simeon Aquino III
D. Corazon Aquino

12. Noong 1959, ayon sa pag-aaral lumalabas na ang Filipino ay Tagalog din sa?
A. nilalaman at istruktura
B. nilalaman at kultura
C. varayti at dayalekto
D. varayti at antas

13. Noong 1959, nilinaw ng Kagawaran ng Edukasyon na kailan ma’y tutukuyin ang Wikang Pambansa, Ito ay tatawaging _____.
A. Pilifino
B. Filipino
C. Filifino
D. Pilipino

14. Samantalang nililinang, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay dapat payabungin at payamanin pa salig sa _____.
A. Mga pangunahing wikang dayuhan
B. Umiiral na wika ng Pilipinas at iba pang mga wika
C. Ingles ay Tagalog
D. Mga wikang katutubo sa mga lalawigan

15. Ang patakarang sinimulang ipatupad sa mga paaralan noong 1974 ay tinatawag na _____.
A. Edukasyong trilinggwal
B. Edukasyong bilinggwal
C. Edukasyong monolinggwal
D. Edukasyong multilinggwal

16. Ang katutubong paraan Abakadang Pilipino ay binubuo ng
A. 5 patinig at 12 katinig
B. 18 titik
C. 3 patinig at 14 na katinig
D. 15 katinig at 2 patinig

17. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pananaw ng isang modernong lingguwista?
A. Ang katutubong kagandahan ng ating wika ay di-dapat lapastanganin.
B. Kailangan natin ang awtentiko ngunit dinamikong wika na magagamit sa makabagong panahon.
C. Kailangan lumaya ang ating wika sa kung anu-anong walang katuturang restriksyon.
D. Ang isang wikang pambansa ay kumakatawan sa lahat ng mga katutubong wika sa iba’t ibang rehiyon.

18. Ito ang kabuuang bilang ng ponema sa orihinal na alpabeto.
A. 24
B. 21
C. 20
D.17

19. Ito ang mga kadahilanan kung bakit ipinag-utos ang pagpapatupad ng bagong Ortograpiyang Filipino. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang dito?
A. Lalo pang yayaman ang ating wika dahil sa impluwensya ng wikang Ingles.
B. Ang purism sa larangan ng wika ay hadlang sa pagpapatupad nito.
C. Uunlad pang lalo ang ating wika sapagkat bukas ang pinto para sa pagpasok ng iba pang wikain at dayuhang wika.
D. Maiiwasan ang rehiyonalismo sa hakbang na ito.

20. Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ay mayroon na tayong katutubong paraan ng pagsulat na kung tawagin sa Luzon ay Alibata: sa Mindanao ito ay tinatawag na _____.
A. Arabic
B. Creole
C. Sanskrito
D. Pidgin

21. Ang ponemang /p/ /b/ at /m/ ay binibigkas ng paano?
A. panlabi
B. pangngipin
C. Panggilagid
D. velar

22. Ang pag-aaral ng makabuluhang yunit ng isang salita
A. Ponolohiya
B. Balarila
C. Morpolohiya
D. Sintaksi

23. Ayon sa teoryang ito ang wika raw ng tao ay mula sa panggaya sa mga tunog ng kalikasan.
A. Teoryang Ding-dong
B. Teriyang la-ta
C. Teoryang Yo-he-yo
D. Teoryang Bow-wow

24. Ang kabuuang bilang ng titik ng makabagong alpabetong Filipino.
A. 26
B. 28
C. 22
D. 20

25. Ito ay nauukol sa kahulugan ng salita ayon sa pagkakaugnayan nito sa iba pang salita
A. Sintaktiko
B. Sistematiko
C. Semantiko
D. Iskematiko

26. Ito ang tawag sa makabuluhang pagitan ng mga pag-uusap at kung paano ginagamit ang mga pangungusap.
A. Diskurso
B. Wika
C. Balarila
D. Retorika

27. Ano ang katawagang ibinibigay sa mga bahagi ng pananalita na pang-ukol, pangatnig, at pang-angkop?
A. Pangnilalaman
B. Pang-asimilasyon
C. Pangkayarian
D. Pangdamdamin

28. Siya ang pangulo ng Pilipinas na lumagda ng Proklamasyong Blg. 1041 taong 1997 ng pagbabago ng Linggo ng Wika tungo sa Buwan ng Wika?
A. Gloria Macapagal
B. Corazon Aquino
C. Ferdinand Marcos
D. Fidel Ramos

29. Alin sa mga sumusunod ang tinatawag na nominal?
A. pangngalan at panghalip
B. pananda at pang-ukol
C. pantukoy at pangatnig
D. pang-abay at pang-uri

30. “Si Titser Ana ang aking modelo.” Anong uri ng tayutay ito?
A. pagwawangis
B. pagtutulad
C. paghahalintulad
D. pagmamalabis

31. Ano ang ayos ng pangungusap na ito? “Pagtutulungan at pagsama-sama ang dapat gawin ng mamamayan.”
A. karaniwan
B. tambalan
C. payak
D. hindi karamihan

32. Anong pormasyon ng pantig ang ginagamit sa pantig na TRANS mula sa salitang transportasyon?
A. KKPK
B. KPPK
C. KKPK
D. KPKK

33. Ang alagang baboy ni Mang Baste ay nilitson ng nga kabinataan para sa pista.
A. Instrumental
B. Actor
C. Gol
D. Direskyunal

34. Nasaan na kaya ang diwa ng kabayanihan at kadakilaan _____ ng mga bayani ng Himagsikan?
A. Ipinamalas
B. Ipinakita
C. Ibinuwis
D. Inilarawan

35. Narinig niya ang tunog ng preno… at _____ ng mga gulong na nagpipilit na huminto ang malakas at nakabibinging pagbangga, pagkatapos ay pagpapalahaw ng iyak
A. Kalabog
B. Dagundong
C. Sagitsit
D. Tunog

36. Namalasak ang anyo ng tulang ito noong panahon ng Hapon at binubuo ng 17 pantig na nahahati sa tatlong taludtod; 5 pantig sa unag taludtod, 7 pantig sa ikalawa at 5 pantig sa ikatlo?
A. Tugamaan
B. Haiku
C. Pantum
D. Tanaga

37. Ang mga awiting bayan ay palasak ng panahon ng katutubo at sa lahat ng pagkakataon ay may awit ng mga katutubo. Ang uyayi ay pag-awit sa pagpapatulog ng sanggol, alin naman ang awit sa kasalan?
A. Tikam
B. Kumintang
C. Diona
D. Soliranin

38. Mula sa talata sa Uhaw ang Tigang na Lupa. “huwag kang palilinlang sa simbuyo ng iyong kalooban ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig. Halos kasing gulang mo ako ng pagtaliin ang puso namin ng iyong ina. Huwag ikaw ang magbibigay sa iyong sarili ng mga kalungkutang magpapahirap sa iyo habang buhay.” Sino ang nag-uusap sa talata?
A. Mag-ama
B. Ina at anak
C. Mag-anak
D. Ama at anak

39. Alin sa mga panlibangan na ito ang pagtatanghal na patula batay sa alamat ng singsing na nahulog sa dagat at dapat sisirin ng mga binata?
A. Tibag
B. Dupluhan
C. Karagatan
D. Karilyo

40. Ayaw kong palupig sa hinalang ang mga dahilang tinubos ng luha at dugo ay mga anino lamang ng mga dantaon ay tumawag at walang nakarinig ay ang _____.
A. may kasiyahan
B. may paglupig
C. kabiguan
D. may pag-asa

41. Sino ang may sagisag na Pingkian at Dimas-ilaw at may akda ng kilalang sanaysay na Liwanag at Dilim?
A. Emilio Jacinto
B. Juan Luna
C. Marcelo H. del Pilar
D. Gregorio del Pilar

42. Sino ang tinaguriang ama ng klasikang Tagalog ng Panahon ng Kastila?
A. P. Aniceto dela Merced
B. P. Gaspar Aquino de Belen
C. P. Modesto de Castro
D. P. Mariano Pilapil

43. Jose Rizal: El Filibustirismo; Graciano Lopez Jaena: _____
A. Noche Buena
B. Ninay
C. Cadaquilaan ng Dios
D. Fray Botod

44. Ang isa sa mga katangian ng maikling kwentong pambata ay _____.
A. nakakaaliw sa kanila
B. may kaunting tauhan
C. naiiba ang panahon
D. may iba’t ibang tagpuan

45. “Nagpahinga ang makina sa pabrika” ang saknong ay tumutukoy sa mga _____.
A. aluwage
B. panday
C. manggagawa
D. aktor

46. Ang nangunguna sa mga nagugustuhang basahin ng mga bata ay mga kwentong _____.
A. historikal
B. pabula
C. parabula
D. metolohiya

47. Ano ang anyo ng panitikang gamitin ng mga propagandista?
A. Dula at Tula
B. Nobela at tula
C. Tula at sanaysay
D. Maikling kwento

48. Alin sa mga ito ang sagisag ni Florentino Collantes?
A. Kuntil-butil
B. Huseng Batute
C. Verdugo
D. Huseng Sisiw

49. Alin sa mga panitikang ito ng katawagan sa Ibalon, Lagda, Tuwaang, Bidasari at Alim?
A. Awiting Bayan
B. Epiko
C. Alamat
D. Kwentong Bayan

50. May isang prinsesa sa tore nakatira. Balita sa kaharian, panbihirang ganda. Bawal tumingala upang siya’y makita. Anong gagawin ng binatang sinisinta?
I. Palaisipan
II. Salawikain
III. Bugtong
A. III lang
B. II at III
C. I lang
D. I at II

Answer key

1. C11. A21. A31. C41. A
2. A12. A22. C32. A42. C
3. B13. D23. D33. C43. D
4. B14. B24. B34. A44. A
5. C15. B25. C35. C45. C
6. A16. A26. A36. B46. B
7. D17. A27. C37. C47. B
8. D18. C28. D38. D48. A
9. D19. A29. D39. C49. B
10. D20. C30. A40. D50. C