[25 Test Answers] CSE Filipino Reviewer: Kasalungat

Civil Service Exam (CSE) reviewer for both Professional and Sub-Professional levels that covers the Filipino subtest on Kasalungat.

This Civil Service Exam reviewer contains Filipino subtest. It contain questions on kasalungat or antonyms.

CSE Filipino reviewer: Kasalungat

Panuto: Piliin ang salitang kasalungat ng salitang nakasalangguhit.

Question 1. Ang pag-iibigan nina Florante at Laura ay matimyas.
A. di-magmamaliw
B. di-totoo
C. dalisay
D. wagas

Question 2. Nilalagyan ng pataba ang halaman upang ito’y yumabong.
A. lumago
B. dumami
C. malanta
D. lumiit

Question 3. Namamasyal siya sa parke upang mapawi ang lumbay.
A. galak
B. lungkot
C. sama ng loob
D. gulat

Question 4. Hinihintay namin ang pagdaong ng Superferry upang salubungin si Ate.
A. pag-alis
B. paglapag
C. paghimpil
D. pagtigil

Question 5. Palasak na ang paggamit ng kompyuter.
A. pambihira
B. pangkaraniwan
C. laganap
D. matipid

Question 6. Nabaghan siya nang dumating ang kanyang amang dalawang taong naghanap-buhay sa ibang bansa.
A. nagulat
B. nagtaka
C. nainis
D. nahimatay

Question 7. Huwag mong ugaliin ang umalipusta ng iyong kapwa.
A. laitin
B. purihin
C. kagalitan
D. bastusin

Question 8. Pahapay na ang mga maliliit na kumpanya dahil sa pagbagsak ng ekonomiya.
A. paunlad
B. tagilid
C. pabagsak
D. pasara

Question 9. Makapal at magalas ang palad ng mga mason at karpintero.
A. mabuto
B. magaspang
C. maliksi
D. makinis

Question 10. Masalimuot man ang buhay natin, di tayo dapat mawalan ng pag-asa.
A. mahirap
B. magulo
C. maayos
D. malungkot

Question 11. Sinaplutan man lamang sana nila ang sanggol bago ito ginamit sa paglilimos.
A. binalutan
B. tinakpan
C. dinamitan
D. hinubaran

Question 12. Hindi dapat pagkatiwalaan ang mga taong taksil na mabait lamang kung kaharap mo.
A. suwail
B. matapat
C. hunghang
D. matalino

Question 13. Tila walang kapaguran ang mabungalngal na bibig ni Lina.
A. tahimik
B. masalita
C. madaldal
D. masakit

Question 14. Napakakupad ng takbo ng karatela kung ikukumpara sa traysikel at dyip.
A. napakabilis
B. napakabagal
C. napakakuyad
D. napakadali

Question 15. Patuloy na magdarahop ang taong tamad.
A. aasenso
B. maghihikahos
C. magiging salat
D. maghihirap

Question 16. Mahirap pakinggan ang sinasabi ng taong garil.
A. utal
B. bulol
C. matalino
D. matatas

Question 17. Kumain ka ng masustansiyang pagkain nang hindi maging hawas.
A. payat
B. matipuno
C. manipis
D. sakitin

Question 18. Ang labis na pagiging hidhid ay nakakasama rin lalo pa’t hindi ka marunong magbigay sa nangangailangan.
A. waldas
B. kuripot
C. matipid
D. mapera

Question 19. Hungkag ang bigasan dahil nasira ng bagyo ang mga palay.
A. salat
B. puno
C. bulok
D. bago

Question 20. Ang mga bulaklak ng orkidya ay naluoy sa tindi ng init.
A. nabulok
B. natuyo
C. namukadkad
D. nalaglag

Question 21. Totoo bang walang latoy ang pagkain sa ospital?
A. walang lasa
B. walang sangkap
C. malasa
D. kakaunti

Question 22. Hindi nilubayan ng mga manunulat ang pagtatanong sa panauhing pandangal.
A. tinigilan
B. iniwasan
C. dinikitan
D. pinagpatuloy

Question 23. Ang mga tirahan ng mayayaman ay maagwat sa isa’t-isa.
A. hiwa-hiwalay
B. magkakadikit
C. layo-layo
D. maliliit

Question 24. Maantak ang sugat kapag napatakan ng kalamansi.
A. malaki
B. maliit
C. manhid
D. mahapdi

Question 25. Tunay na mabalasik ang leon at ang tigre.
A. maamo
B. matapang
C. masungit
D. maliit

Answer key

1. B11. D21. C
2. C12. B22. D
3. A13. A23. B
4. A14. A24. C
5. A15. A25. A
6. C16. D
7. B17. D
8. A18. A
9. D19. B
10. C20. C

Other Filipino-related CSE reviewers

CSE Filipino ReviewerNo. of Items
Kasing-Kahulugan25 items
Mga Wikain25 items
Wastong Gamit30 items
Pagtatalata10 items