This Civil Service Exam reviewer contains Filipino subtest that has questions on wastong gamit.
CSE Filipino reviewer on wastong gamit
Question 1. Katungkulan _____ sinuman ang tumulong sa kanyang kapwa.
A. nang
B. ng
C. namin
D. natin
Question 2. _____ ko kay Inay ang mga kaganapan sa aming paaralan sa isang buong papel.
A. Isinulat
B. Isinabi
C. Sinulat
D. Sinabi
Question 3. Ang _____ ng mga manlalaro ay dininig ng komite kahapon.
A. pakiusapan
B. pakikipag-usap
C. ipakiusap
D. pakiusap
Question 4. Nagulat ang mga tao ____ mabalitaan ang kaguluhang nagaganap sa Mindanao.
A. nang
B. ng
C. noon
D. datapwat
Question 5. ______mo si Chin ng damit sa kabinet.
A. Kunin
B. Utusan
C. Hanapan
D. Hanapin
Question 6. ______ suliranin ng pagtaas ng presyo ng gasolina ang pinapaksa ng pulong sa kasalukuyan.
A. Hinggil kay
B. Ayon kay
C. Hinggil sa
D. Ayon sa
Question 7. Ang paglalakbay _____ Magellan noong 1521 ang naging dahilan kung bakit nakilala ang Pilipinas sa ibang bansa.
A. ni
B. daw
C. sa
D. para kay
Question 8. Ang pagkakalat o pagtatapon sa kung saan-saan ay ______ batas.
A. sang-ayon
B. hinggil sa
C. laban sa
D. labag sa
Question 9. Pinatay ______ mga Hapones si Jose Abad Santos nang tanggihan niyang ibunyag ang lihim ng mga kilusang Pilipino laban sa kanila.
A. namin
B. ng
C. nang
D. noong
Question 10. _____ mo naman sa kanila na magdala ng mapagsasaluhan.
A. Usapin
B. Usap-usapan
C. Ipakiusap
D. Pakiusap
Question 11. ______ G. at Gng. Reyes. matagal na nilang pinag-iipunan ang pangtustos sa pag-aaral mo sa kolehiyo.
A. Ayon sa
B. Ayon kay
C. Ayon kina
D. Sang-ayon kina
Question 12. ______ ni Emilio Jacinto ang Kartilya na naglalaman ng adhikain ng Katipunan.
A. Winika
B. Sinulatan
C. Isinabi
D. Nalaman
Question 13. Dumating ang Lola ______ kami’y nagdiwang.
A. kaya
B. kung
C. marahil
D. siguro
Question 14. Ang pagbabara ng mga estero ay dulot _____ walang pakundangang pagtatapon ng basura.
A. rin
B. ng
C. natin
D. nila
Question 15. _____ maaari ay magtipid tayo nang husto.
A. Kung
B. Dahil
C. Bagamat
D. Mandin
Question 16. Mapadadali ang ating gawain ______ tayo ay magtutulungan.
A. upang
B. kung
C. kahit
D. ngunit
Question 17. Masaya sila _____ napakaraming pagsubok ang dumarating sa kanilang pamilya.
A. sapagkat
B. marahil
C. kahit
D. kung
Question 18. ______ pagod na pagod na sa biyahe si Rey ay nagawa pa rin niya ang mag-aaral.
A. Bagaman
B. Maliban
C. Samakatwid
D. Maging
Question 19. Patuloy tayong maghahalinhinan sa pagroronda ______ di pa nahuhuli ang magnanakaw.
A. samantala
B. hanggang
C. palibhasa
D. bagaman
Question 20. Nagtatalon sa tuwa si Regina _______ mapanalunan ang patimpalak sa pagsusuluat ng maikling kuwento.
A. subalit
B. disin sana’y
C. nang
D. ng
Question 21. Hindi maaring ibilanggo ang sino man dahil _____ kanyang pagkakautang.
A. na
B. ng
C. nang
D. sa
Question 22. Nagpapatugtog sila _____ awiting Pilipino.
A. sa
B. nang
C. ng
D. na
Question 23. Ang ______ ng mga mamamayan na huwag munang magtaas ng presyo ng langis ay pinag-aaralan ng kinauukulan.
A. usapin
B. pakiusapan
C. ipakiusap
D. pakiusap
Question 24. Hindi _____ nabibigyang lunas ang sakit na AIDS sa ngayon.
A. pa
B. na
C. sa
D. ka
Question 25. ______ bang suliranin na hindi kayang lutasin?
A. May
B. Mayroon
C. Sino
D. Anong
Question 26. ______ patimpalak sa Balagtasan na gaganapin sa plasa.
A. May
B. Mayroon
C. Anong
D. Bakit
Question 27. ______ ba nagkaroon ng isang bulkan?
A. Sino
B. Alin
C. Ano
D. Paano
Question 28. _______ natin ang ating kapwang nangangailangan ng tulong.
A. Abutan
B. Kunin
C. Abutin
D. Kunan
Question 29. Huwag mong ______ ang sino mang nasa kapangyarihan kung nais mo lamang makakuha ng pabor.
A. abutin
B. abutan
C. kunin
D. kunan
Question 30. ______ mo ang mabibigat na dalahin ng Inay.
A. Abutan
B. Tanawin
C. Kunin
D. Kunan
Answer key
1. B | 11. C | 21. D |
2. A | 12. A | 22. C |
3. D | 13. A | 23. D |
4. A | 14. B | 24. A |
5. C | 15. A | 25. B |
6. C | 16. B | 26. A |
7. A | 17. C | 27. D |
8. D | 18. A | 28. A |
9. B | 19. B | 29. B |
10. C | 20. C | 30. C |
Other Filipino-related CSE reviewers
CSE Filipino Reviewer | No. of Items |
---|---|
Kasing-Kahulugan | 25 items |
Kasalungat | 25 items |
Mga Wikain | 25 items |
Pagtatalata | 10 items |