This Civil Service Exam reviewer contains a Filipino subtest containing questions on synonyms or kasing-kahulugan.
CSE Filipino reviewer: kasing-kahulugan
Panuto: Piliin ang salitang kasingkahulugan ng salitang nakasalangguhit.
Question 1. Nauulinigan ang pag-uusap ng grupo dahil sa lakas ng tinig nila.
A. Nahihimigan
B. Napakikinggan
C. Nakikita
D. Nararamdaman
Question 2. Karapatan ng bawat batang Pilipino ang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga sa kanila.
A. mag-aalaga
B. magsasaway
C. gagabay
D. tutulong
Question 3. Nagugulumihan si Rochelle kung anong kurso ang kanyang kukunin sa kolehiyo.
A. Nagtataka
B. Natutuwa
C. Nagpapasalamat
D. Nalilito
Question 4. Tigib na ng pasahero ang dyip nang ito ay umalis.
A. Punung-puno
B. Kulang-kulang
C. Kaunting-kaunti
D. Maraming-marami
Question 5. Hindi na nakapagpipigil ang kaawa-awang katulong kaya isiniwalat ang sama ng loob sa mapang-aping amo.
A. isinabi
B. inilahad
C. isinisigaw
D. ibinulgar
Question 6. Iminungkahi ang pagbabawal magtapon ng basura sa di-wastong lugar.
A. ipinanukala
B. inilalahad
C. isinisiwalat
D. kinalat
Question 7. Madalas silang mapaaway dahil sa kanilang kapalaluan.
A. kalabisan
B. kayabangan
C. kagandahan
D. kasinungalingan
Question 8. Pakiramdam niya ay labis-labis ang kanyang suliranin kung kaya siya ay naliligalig.
A. matalino
B. masaya
C. magulo ang isip
D. malinaw ang isip
Question 9. Maalwan lamang ang nararapat na dalahin ng isang bata.
A. magaan
B. maganda
C. malaki
D. maliit
Question 10. Sa palihan nagagawa ang mga itak, espada at iba pang yari sa bakal.
A. palikuran
B. pamilihang-bayan
C. palengke
D. pandayan
Question 11. Hindi mo dapat gawing katuwaan ang pagkutya sa kapwa.
A. pagsumbong
B. paglibak
C. pagtampo
D. pagkurot
Question 12. Ang pag-eensayo ng banda ay nakabubulahaw.
A. nakaiinis
B. nakagugulo
C. nakatutuwa
D. nakababahala
Question 13. Dapat kang magkamal ng salapi sa mabuting paraan.
A. magmana
B. magnakaw
C. magtamasa
D. maghanda
Question 14. Ilan taon ding siniil ng mga dayuhan ang mga Pilipino.
A. tinago
B. inapi
C. tinimpi
D. pinalaya
Question 15. Ang anumang alitan ay di dapat hayaang magtagal.
A. proyekto
B. pagkakaibigan
C. hiniram
D. bangayan
Question 16. Laganap ang krisis kaya tayo ay dapat magtipid.
A. kalat
B. kapos
C. limitado
D. pantay
Question 17. Madaling nababalino sa lihis na gawain ang mga kabataang laki sa lansangan.
A. natutuwa
B. namamalik-mata
C. nagaganyak
D. nakaiiwas
Question 18. Maraming himutok ang mga manggagawa laban sa kanilang kumpanya gaya ng di pagtaas ng kanilang sahod.
A. nais
B. balakid
C. kilos
D. reklamo
Question 19. Walang minimithi ang iyong magulang kung di ang mabigyan ka ng magandang kinabukasan.
A. dinadalangin
B. ninanais
C. ikinatutuwa
D. tinitiis
Question 20. Iwasang sumugba sa alanganin.
A. sumugod
B. tumigil
C. lumayo
D. lumapit
Question 21. Huwag mong pukawin ang batang nahihimlay.
A. libangin
B. palayain
C. pigilin
D. gisingin
Question 22. Hindi ka dapat magmaktol kung ika’y napagsasabihan.
A. umiyak
B. magtampo
C. magdabog
D. lumayas
Question 23. Tuwing Marso, ang puno ng mangga ay namumutiktik sa bunga.
A. maraming-marami
B. bilang na bilang
C. kakaunti
D. malalaki
Question 24. Kumipot ang Maynila sa dami ng taong naniniharan dito.
A. lumuwag
B. lumaki
C. sumikip
D. lumiit
Question 25. Patang-pata siya nang marating ang tuktok ng bundok Apo.
A. pagod na pagod
B. masiglang-masigla
C. masayang-masaya
D. hinayang-hinayang
Answer key
1. B | 11. B | 21. D |
2. A | 12. B | 22. B |
3. D | 13. C | 23. A |
4. A | 14. B | 24. C |
5. D | 15. D | 25. A |
6. A | 16. A | |
7. B | 17. C | |
8. C | 18. D | |
9. A | 19. B | |
10. D | 20 A |
Other Filipino-related CSE reviewers
CSE Filipino Reviewer | No. of Items |
---|---|
Kasalungat | 25 items |
Mga Wikain | 25 items |
Wastong Gamit | 30 items |
Pagtatalata | 10 items |