This Civil Service Exam reviewer contains a Filipino subtest containing questions and answers on the subject “Mga Wikain”.
CSE Filipino reviewer on Mga Wikain
Question 1. Nag-alsa balutan ang katulong sa bahay dahil sa kalupitan ng kanyang amo.
A. nagtampo
B. lumayas
C. nagtago
D. nagmaktol
Question 2. Hindi totoo ang kanyang katapangan sapagkat bahag ang buntot niya sa harap ng paghihirap.
A. malakas ang loob
B. matapang
C. duwag
D. matiyaga
Question 3. Dahil sa paulit-ulit na pagsisinungaling, basa ang papel niya sa karamihan.
A. ayaw nang paniwalaan
B. ayaw nang pagbigyan
C. ayaw nang pakinggan
D. ayaw nang kasama
Question 4. Kumukulo ang dugo ng ina ni Robin sa kanya sapagkat hindi siya nag-aral nang mabuti.
A. tuwang-tuwa
B. galit na galit
C. lungkot na lungkot
D. nakapapaso ang dugo sa init
Question 5. Di-mahapayang gatang ang pagpapalitan ng kuru-kuro ng mga mambabatas.
A. hindi maumpisahan
B. hindi magulo
C. hindi masaya
D. hindi maawat
Question 6. Noong panahon ng pananakop ng Kastila, ang mga Pilipino ay hawak sa tainga ng mga ito.
A. sunud-sunuran
B. katuwang
C. kakampi
D. alipin
Question 7. Mabulaklak ang landas ng taong masikap.
A. malabo ang kinabukasan
B. makulay ang kinabukasan
C. magulo ang kinabukasan
D. maganda ang kinabukasan
Question 8. Maliit ang sisidlan ni Mhon kaya iniiwasan siyang biruin.
A. walang lakas-loob
B. walang galang
C. walang malay
D. walang pasensiya
Question 9. Mahilig kasing magbasa kahit sa madilim si Tina kaya siya ay nagmamatang-manok.
A. lumiliit ang mata
B. malabo ang mata
C. lumuluwa ang mata
D. kumikislap ang mata
Question 10. Kung minsan, inggit ang nagiging dahilan sa pagsasaulian ng kandila.
A. pagkasira ng tiwala
B. pagkasira ng pamilya
C. pagkasira ng pagkakaibigan
D. pagkasira ng lipunan
Question 11. Pabalat-bunga lang pala ang pagiging bukas-palad niya; may pulitikal pala itong kadahilanan kaya siya mapagbigay.
A. taos-puso
B. pakunwari
C. pasikreto
D. sapilitan
Question 12. Tiklop-tuhod ang akusado na siya ay patawarin ng biktima.
A. nagkukunwari
B. nanakot
C. nagmamakaawa
D. gumagapang
Question 13. Ni ayaw man lamang humarap sa tao ang talo-saling na si Eula.
A. masungit
B. isnabera
C. mahiyain
D. pangit
Question 14. Di dapat tularan ang mga taong walang kusang-palo.
A. walang kusang-loob
B. walang bait sa sarili
C. walang nalalaman
D. walang direksiyon
Question 15. Hindi tama ang ika’y walang lingon-likod. Dapat ay suklian ang kabutihan ng iba sa iyo.
A. mayabang
B. mapagmataas
C. walang utang na loob
D. walang pagkakautang
Question 16. Makapigil-hininga ang pelikulang Muro-Ami.
A. naksasabik
B. nakaaantok
C. nakaiinis
D. nakasusuya
Question 17. Halang ang kaluluwa ng taong gumagawa ng karumal-dumal na krimen.
A. mabait
B. bastos
C. maitim ang budhi
D. matapang
Question 18. Di-maliparan ng uwak ang lupain ng mga Aquino sa Tarlac.
A. napakaliit
B. napakalawak
C. napakadami
D. napakasikip
Question 19. Makunat pa sa patola si Lola Rosa kaya uugud-ugod na.
A. masayahin pa
B. masigla pa
C. mukhang bata
D. napakantanda na
Question 20. Nilubugan ng araw ang mga taong nasalanta ng bagyo ang mga tirahan.
A. nawalan ng pag-asa
B. dumilim ang paligid
C. naputulan ng kuryente
D. naghirap
Question 21. Hindi mo matatagpuan sa kanilang bahay si Cecile, palibhasa ay may puyo sa talampakan.
A. mahilig matulog
B. mahilig mamasyal
C. mahilig tumakbo
D. mahilig mag-aral
Question 22. Binata na si JB kaya siya ay naniningalang-pugad na.
A. naninigarilyo
B. nababarkada
C. nanliligaw
D. naninirahan nang mag-isa
Question 23. Malimit na may kabanggaan si Malou sa ospital dahil maanghang ang kanyang dila.
A. pikon
B. walang pakialam
C. masakit magsalita
D. masayahin
Question 24. Di napaunlakan ni Ana ang imbitasyong manood sila ng sine sapagkat butas ang kanyang bulsa.
A. sira ang pantalon
B. walang pera
C. nagtitipid
D. walang panahon
Question 25. Si Karl ay nagtataingang-kawali. Animo’y wala siyang naririnig kahit tinatawag na.
A. matigas ang tainga
B. mahina ang pandinig
C. barado ang tainga
D. nagbibingi-bingihan
Answer key
1. B | 11. B | 21. B |
2. C | 12. C | 22. C |
3. A | 13. C | 23. C |
4. B | 14. A | 24. B |
5. D | 15. C | 25. D |
6. A | 16. A | |
7. D | 17. C | |
8. D | 18. B | |
9. B | 19. D | |
10. C | 20. A |
Other Filipino-related CSE reviewers
CSE Filipino Reviewer | No. of Items |
---|---|
Kasing-Kahulugan | 25 items |
Kasalungat | 25 items |
Wastong Gamit | 30 items |
Pagtatalata | 10 items |